FREYAH POV. HANGGANG ngayon hindi ko pa pa rin makalimutan at tila tumatak na sa isipan ko ang pangyayari ng gabing 'yon. Ngyon isang buwan na ang lumipas mula nang magising ako sa isang silid na hindi pamilyar. Sa tabi ko, isang lalaking may malaking tattoo ng lobo, itim na itim ang tinta, ngunit ang mga matang kulay ginto nito ay tila buhay, nakamasid sa akin kahit wala itong galaw. Hindi ko mapigilan ang panghihinayang. Ni hindi ko man lang nakita ang mukha ng lalaking iyon, ang tanging lalaking pinag-alayan ko ng aking kalinisan. At dahil doon, tuluyang naglaho ang pag-asang makakamtan ko pa ang aking buong kapangyarihan. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang mga bagay na mahigpit na ipinagbabawal, at isa na roon ang pagmamarka. Tanging ang soulmate ko lamang ang may karapatang

