SINUBUKAN harangan si Aljoe, nang dalawang guard na nakatayo sa pintuan ng conference. Kaya malakas niyang sinipa ang mga ito. Saka agad na pumasok sa loob kasunod ang apat pang kasamahan. Ngunit sinalubong sila ng mga baril, pagsulyap ni Aljoe, sa kinaroroonan ng amo. Wala ito sa upuan na nakalaan para dito. “Kung ang hinahanap mo ay ang iyong amo, gusto kong sabihin sayo na sa mga oras na ito baka naghihingalo na siya.” Lumingon si Aljoe, sa babaeng nagsalita, walang iba kundi si Denise. Bakit naririto ang babaeng ito? Napaisip siya ibig sabihin totoo ang sinabi ni Ma’am Ashley? ‘F*ck!’ lihim na pagmumura ni Aljoe. “Ibaba nyo ang inyong mga baril or lahat kayo mamamatay kagaya ng inyong amo!” malakas na sigaw ni Denise. Bulik sa realidad at nagngalit ang bagang ni Aljoe, bago sinu

