CHAPTER 38: HINDI NA TULOY ako napanatag mula nang magkausap kami ni Travis. Wala namang masama sa sinabi niya. Siguro masaya lang talaga siyang na sa wakas ay nakapag-usap na kami ulit matapos ang ilang taon. Kaya hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako. His words kept on running through my mind. “Grabe, ang susyal ng birthday na ‘to. Kung ako ang may ganitong birthday, hindi ako magiging masaya. Sa tingin ko kapag ganito ang birthday ko, bawal akong magkamali,” ani Milly matapos lagukin ang isang baso ng wine. Medyo lasing na siya dahil kanina pa kung ano-ano ang sinasabi. “Baka marinig ka ni Davie…” bulong ni Zack. “Lasing ka na, iuuwi na kita.” “Anong iuuwi mo ako? Ex na tayo, Zack! Tapos na at never na kitang babalikan, huwag ka nga!” Akmang hahawakan pa sana ni Zack ang kanya

