CHAPTER 67: “WE REALLY LOVE you guys! We may stop producing new songs, but you all know that we can always always listen to our old but gold songs!” Naghiyawan ang mga fans nang sabihin iyon ni Andrew na siyang lider ng Sexy Seven. Hindi na sana ako manunuod ng huling concert nila dahil ayaw kong makita kung gaano ka-emosyonal ang fans nila sa huling concert na ito. Pero pinilit ako ni Travis at sinamahan pa ni Davie. Pinagbantaan ko na silang huwag gagawa ng kalokohan kagaya na lamang ng pag-po-propose sa akin sa stage dahil hindi ko iyon tatanggapin kung gagawin ni Travis. Wala naman daw siyang balak na gawin iyon, ayaw niya ring masira ang huling concert ng grupo nila. Gusto niya lang talagang naroon ako para daw mabawasan ang kaba niya. Inabot din ng tatlong oras ang concert nila.

