CHAPTER 23: “DID I OFFEND you?” Imbes na sumagot sa tanong niyang iyon ay nanatili akong tahimik at nakamasid sa kalmadong dagat. Yes, I am offended. Mali ang akusahan akong kaya kong manlalaki habang kami. Kung tutuusin, I can do that because we don't have the label of “in a relationship” but I will choose not to because I respect him. “Sorry…” Lalong hindi ako kumibo. There's nothing to feel sorry about. Wala namang kami kaya hindi na niya kailangang mag-sorry. At saka tapos na. Tumayo ako mula sa buhanginan at saka naglahad ng kamay sa kanya. “Okay na, tara na at bumalik sa cottage,” sabi ko. His mouth parted. “Totoo? We’ll continue what we are doing?” he asked, amazed. Napangisi ako sabay iling. “Huwag mong ma-misunderstand ang sinabi ko. Ang sabi ko napatawad na kita pero ta

