IT TOOK THREE DAYS AND THREE NIGHTS BEFORE NICOLO WOKE UP. Sa loob ng tatlong araw na ‘yon at tatlong gabi, puno ng pag-aalala si Haze. Lagi siyang nasa hospital at uuwi lamang siya kapag magpapahinga at maliligo siya saka na naman siya babalik ng hospital. Hindi siya makakain ng maayos o kaya naman nakakalimutan na niya dahil sa pag-aalala niya para sa kasintahan. Mabuti na lamang at mayroon si Alonzo. Ito ang nagsisilbing tagabili ng pagkain ni Haze. In Alonzo’s mind, if Haze lost weight, his Young Master will skin him alive. Yeah, it was right. In the Young Master of Parisi Family, Haze is the most important person. No one could compare to her. Gumuhit ang ngiti sa labi ni Haze nang makita niyang inilabas na mula sa ICU si Nicolo saka inilipat sa private ward. Nakasunod lang naman s

