SPECIAL CHAPTER 4

2267 Words

NAALIMPUNGATAN si Haze at napabalikwas ng bangon habang tinatakpan ang bibig patungong banyon. Pagpasok niya sa banyo, sumuka siya ng sumuka sa sink pero wala naman siyang nailalabas kundi laway lang. Pagkatapos ng isang minutong pagsusuka, tumigil na rin sa wakas. Nagmumog si Haze saka lumabas ng banyo habang sapo-sapo ang dibdib. Bumalik siya sa kama at napatingin sa kaniyang tabi. Wala ang asawa niya dahil nasa business trip ito. Sa susunod na linggo pa ang balik nito kaya naman wala siyang katabi sa malaking kama nila. Ang hirap talaga ng buntis lalo na kapag wala ang asawa mo. Napag-alaman niya noong nakaraang araw na isang buwan na siyang buntis. Syempre masaya siya ngunit hindi na muna niya sinabi ang tungkol rito sa asawa niya. She wanted to surprise him. Kahit ang mga kasama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD