Stacey "Ruth, may gwapo sa labas dali! Pakihawak 'tong cellphone ko tapos akong mag a-assist sa gwapong customer. Pikturan mo kami, ipo-post ko lang sa social media account ko, tingnan ko lang kung hindi mainggit sa akin ang mga kaibigan ko, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagwapooo... Ruth, baka ito na ang swerte ko." Hindi ako makapaniwala sa aking naririnig, palabas na ako ng kitchen. Nagkaproblema sa stocks ng gulay buti na lang at nagawan ng paraan. Nakita ko ang aking dalawang empleyado sa gilid ng pasilyo at nagtatago sa posteng haligi. "Oo nga, noh! Napaka swerte naman ng girlfriend niyan parang ang sarap halikan. Ang nipis ng labi, tapos ang bango-bango pang tingnan, hindi siguro naarawan 'yan mukhang laki sa aircon. Hay, grabe! Ang ganda ng katawan, yummmy!" Parang nakaki