Quenhyra POV Quenhyra naman oh! Bakit sa dinami-dami ng katangahang gagawin mo. Bakit yong paglimot pa sa daan pabalik ng kuwarto niyo ni Caden? Dahil sa pamamasyal ko dito sa palasyo ng walang kasama sa tingin ko nga ay naliligaw na talaga ako. Sino ba ang hindi mababagot kung lahat ng bampira dito tingin sayo parang babasaging krystal na dapat protektahan? Naiinis ako doon, hindi ko makausap ang mga kaibigan ko dahil nasa school sipang lahat. Samantaalang ako ay nandito, bagot na bagot na. Hindi pa daw kasi ako pwede pumasok hanggat hindi nasisigurado ang seguridad ng Reyna. Wow lang ha? Pag-uuntugin ko silang lahat, nakiusap naman ako sa asawa ko. Ayaw niya kahit pa magdala ako ng sandamakmak na Royal Knights. Still it's a no daw! Kaya ito ngayon nagsosolo flight ako sa pagl