Anika

1513 Words
ANIKA "Ahhh!" Malakas na tili nang isang babae ang marinig mo sa dalawang palapag ng bahay. Ilang minuto lamang patakbong bumaba ang isang babaeng takot na takot. Aligaga at malilikot ang mga mata ng dalagita. "What's going on here?" sabat ng kanilang Ina. "Mom, si Ate Victoria p-po." sumbong ng kinse-anyos na babae na pangalan Jessica. Sumunod na lamang ang karating lamang si Victoria, suot pa rin ang pajama na pantulog. "May dala siyang palaka Mommy sa room namin. Takot na takot ako sa palaka. Ayaw na ayaw ko n'on. Ayaw ko." nag papadyak na si Jessica sa harapan ng Ina para pakinggan at kampihan naman siya nito. "Victoria," tawag ng Ina nila para awatin na ang mag kapatid. "What?" patay malisya na tanong ni Victoria. Wala lamang sakaniya kahit umiyak ang kapatid sa kalokohan na kaniyang ginawa. "Ito bang palaka ang tinutukoy mo, Jessica?" mula sa kinukubling hawak ni Victoria sa likuran--pinakita nito sa kapatid ang kinakatakutan. Namutla naman si Jessica nang makita ang palaka kasabay ang malakas na tili ng kapatid. "Ahh! Mommy! Si Ate Victoria oh!" Umiyak na si Jessica sa takot. "Victoria, that's enough." Tumaas na ang boses na kanilang Ina. Ito na ang sign na kailangan na nila pareho tumigil. "Tigilan mo na iyan, parati mo na lang pina-prank si Jessica." hindi na umaalis si Victoria sa likuran ng Ina. Takot na hawakan o ilapit sakaniya ng kapatid ang palaka na kaniyang kinakatakutan. Nag simula na mag sermon ang kanilang Ina, para naman sa 17 years old na si Victora, pinapasok at pinapalabas na lang sa taenga ang pangaral ng Ina tungkol sa pina- prank at kong ano-ano pang kalokohan na kaniyang ginagawa sa kaniyang kapatid. Hindi lamang kapatid niya ang pina-prank ni Victori kundi Ina, pinsan, kaklase o kaya naman mga malalapit na kaibigan. Iyon na rin ang kaugalian ni Victoria ang i prank ang mga tao sa paligid niya. Ewan niya ba sa sarili—-sarap na sarap siya na makita ang satisfaction na kaniyang hinahanap sa tuwing ginagawan niya ito ng anumang kalokohan ang tao sa paligid niya. Hindi ata mabubuo ang araw ni Victoria kapag hindi nakaka-gawa ng prank sa isang araw. Mag-kasama sila ni Jessica sa silid at tig-isa silang kama. Silang tatlo lamang ang mag kakasama sa bahay. Ang kanila namang Ama, nag trabaho sa ibang bansa at madalang lamang itong umuwi. "Mom, it just a frog. Hindi naman siya mamatay doon," depensa pa ni Victoria—sabay kina-upo sa silya. Nginisian na lang ni Victoria ang kapatid—at nanginingig sa takot. Pauwi na si Victoria galing school. Nag tatakip-silim na rin ang kalangitan at malamig ang simo'y ng hangin. Bigla nahinto si Victoria sa tapat ng imbakan ng mga basura sa gilid niya lamang at mapansin ang pulang tela na, napapatungan ng iba pang basura na naka-lagay sa trashbag. Labis na kuryusidad na makita at tignan kong ano ang pulang tela. Hinila niya iyon—-hindi niya inaasahan na ang pulang tela na kaniyang hinila, ay damit lamang pala ng Maynika. "Wow, ang ganda mo naman." Wala sa sariling sambit ni Victoria. Sa una mong titignan sobrang dark ng aura ng maynika at nakakata-takot ang itsura nito. Hindi naman matatakutin si Victoria, kaya't wala lamang sakaniya ang Maynika. Sinuri ni Victoria ang maynika na hawak, nababalutan man ito ng dungis mula sa basurahan—hindi mo pa din maitatanggi na magandang kalidad pa rin iyon ng Maynika. Porcelain ang Maynika, sobrang laki din ng mata nito na nakaka-takot at ang pupil sa mata ng maynika maitim at maliit. Mahahaba at makapal din ang pilik-mata—kahanga-hanga talaga para kay Victoria na maka-kita ng ganung klaseng maynika. Mahaba- at kulot rin ang itim nitong buhok at katamtaman lamang ang laki. Kulay itim at puti ang suot nitong damitat ang pula tela na nakita niya kanina—hindi iyon karaniwang kulay kundi mantya lamang. Tamang-tama ang Maynika na ito para sa susunod na prank muli ni Victoria. Naisip niyang gamitin ang Maynika para takutin ang kapatid bago sila matulog. Lingid sa kaalaman na bukod sa palaka, takot rin ang kapatid niya sa horror. Panigurado matatakot si Jessica kapag nakita nito ang Maynika. "Sobrang sayang naman kong tinapon ka lang dito sa basurahan." Dagdag pa ni Victoria. Para sakaniya—-mukhang malaki ang halaga nito kong ibebenta.. "Papangalanan kitang Anika short for Manika.." hinaplos ni Victoria ang buhok nito. "Gusto mo ba ang bagong pangalan no, Anika?" Similay ang ngisi sa labi ni Victoria na tinitignan ang bagong koleksyon. *** Pag ka dating lamang sa bahay. Dali-daling nilabas ni Victoria ang nakuhang maynika. Inalis niya ang dungis gamit ang basang towel sa mukha at nilabhan na rin ang damit nito para maalis ang pulang manstya na kumapit sa damit nito. "Ano ba iyan! Bakit hindi ka natatanggal?" Iritadong sambit ni Victoria. Ilang sandali na nililinisan ang damit ni Anika, subalit hindi pa rin maalis ang pulang mantya na kumapit sa damit nito. Hindi na inalis ni Victoria ang kumapit na mantya sa damit ng Maynika bagkus pinatuyo na lang, para mamaya maisakatuparan niya na ang prank na gagawin. Malalim na ang gabi—dapit alas nuwebe na nang gabi. Ang kanilang Ina naman kasalukuyan nasa silid para tapusin ang naudlot na trabaho. Samantala naman ang kapatid niya? Mahimbing na natutulog sa kama. Mula sa kina-tataguan, kinuha ni Victoria si Anika at pina-upo ito sa paanan ni Jessica. Tamang-tama kapag nagising ang kapatid—unang bubunggad dito ang Maynika at sisigaw na lang ito sa takot. "Tignan lang natin kong hindi ka matakot kay Anika, Jessica." Hagikhik pa na tawa ni Victoria at kokompleto sa pananakot ni Victoria sa kapatid—pinatong niya ang maliit na kutsilyo sa tabi ng Maynika, para sa ganun makatutuhanan talaga ang prank na gagawin niya. "Mukhang may kulang pa. Hmmm." Nag isip pa si Victoria na idadag pa na ilgay na props kay Anika. Bumaba si Victoria sa unang palapag para kumuha ng ketchup. Plano niya kasi na lagyan ang damit ni Anika para kunwari dugo iyon. Pabalik na sana si Victoria sa silid— nang marinig niya ang malakas na sigaw ni Jessica. Hindi lamang simpleng sigaw iyon na natakot. Kundi may kinakatakutan pang iba. Sa malakas na sigaw ni Jessica—nagising ang kanilang Ina at nauna pa itong maka-punta sa silid namin. "Mommy, mommy!" Nakaka-kilabot ang sigaw n Jessica. Pag pasok ni Victoria sa silid, karumadal-dumal ang kaniyang nasaksihan. Hindi maigalaw ni Victoria ang mga paa—yakap-yakap ng kaniyang Ina ang kapatid at sabay silang nag hahagolhol nang iyak. Duguan at maraming saksak ang kapatid niya sa braso-mukha, kamay. Balot na balot rin ng dugo ang damit at kahit ang kumot nito. Nanginginig pa ito sa takot sa labis na trauma na nasaksihan nito. Malilit ang saksak sa katawan ng kapatid—saktong-sakto na mag kakapareha sa maliit na kutsilyo na iniwan ko kanina kasama ni Anika. Hindi na rin mahagilap ng mata ni Victoria sa silid si Anika. Asan na ba ang Maynika? Iniwan ko lang iyon dito kanina. "You!" May pag-bibintang sa boses ng kapatid. "Ikaw ang may kasalanan nito! You did this to me Ate Victoria. B-Bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin?" Umiiyak nitong saad. "M-Mom, hindi ako ang may gawa sakaniya n-niyan. Kakarating ko lang, impossible na ako ang sumaksak sakaniy—-" "I heard enough Victoria! Hindi ko aakalain na aabot ka sa ganito." Kahit rin ang aking Ina, hindi rin ako kayang paniwalaan. "M-Mommy. A-Ayaw ko na dito. N-Natatakot ako kay Ate. She's going to kill me again." Sumisksik ang kapatid niya sa Ina. May pang-huhusga kong paano nila ako titigan. "Halika na, I will take you to the hospital." Tinulungan ng aking Ina na maka-tayo ang aking kapatid. Bago nila ako nilampasan—nag pahabol pa aking Ina ng sasabihin. "Mag-usap tayo mamaya Victoria." Pabagsak na sinarhan ang pinto at hindi mapigilan ni Victoria na mapa-hagolhol na rin ng iyak. Gulong-gulo siya sa mga nangyari at kahit sarili niyang Ina at kapatid, hindi siya magawang paniwalan. Hmm. Hmmm. Hmmm. Hmm. Mahinang kanta ang nag patigil sa pag hikbi ni Victoria. Hum ng musika ang kinakanta. Hmmm. Hmmm. Hmmm. Nakaka-kilabot at parang nasa kina-ilaliman ng lupa ang nakaka-kilabot na pag-kanta na aking narinig. Ito lamang ang nag panindig sa balahibo ni Victoria. Galing mismo sa loob ng aking silid ang naririnig kong kanta. "S-Sino iyan?" Ginala ni Victoria ang mata para hanapin kong saan ito nag-mumula. "Hmm. Hmmm. Nag patuloy pa rin sa pag hum ang nakaka-kilabot na musika. "S-Sino sabi iyan?" Hagolhol na iyak ni Victoria. Mula sa gilid nang kama, unti-unting lumitaw ang maliit na ulo ni Anika sa kina-tataguan at ngumisi ito hanggang taenga ang lawak. Napa-kurap at sabay atras ng paa si Victoria—-hindi makapaniwala nag dala siya mismo ng demonyo sa sarili niyang pamamahay. Ito lamang ang nag paagaw atensyon ni Victoria. Dumami ang pulang mantya na kumapit sa damit ni Anika. Hindi lamang ito simpleng mantya. Kundi palatandaan ng dugo ng mga taong pinatay nito. "Ako ito, si Anika." Mala-demonyo itong ngumisi at hawak pa rin ang maliit na kutsilyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD