Kabanata 60 PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA FIVE YEARS LATER. "DARATING AKO. Nag-leave na nga ako sa work kahit pa ayaw ni Sir Arthur." Kausap ko sa kanilang linya si Rosy na ngayon ay magpapabirthday party sa Jollibee sa anak niyang aking inaanak. Gaganapin iyon sa SM San Lorenzo at ookupahan ang buong fast food chain sa araw na ito. Tatlong taong gulang na ang anak niya at mas matanda ng isa ang anak kong si Hercules. Nakatira ako ngayon sa isang apartment na pinatitirahan sa akin ni Sir Arthur. He has been a good boss to me ever since. Wala akong masabi sa kanyang kabaitan at ngayon ay hindi ko rin talaga alam kung