Kabanata XLI PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanay sa erotica. MARTHA "KUMAIN ka na babe." Puno pa rin ng pag-aalala ang mukha ni Hector habang nakatingin sa akin sa hapag-kainan. Kanina ay hinayaan niya muna akong makaligo at makapagbihis upang sa ganon ay makapag-ayos at makapagligpit siya ng mga kagamitan sa kanyang apartment na binasag ni Carmina nang ito ay manggulo kani-kanina. Nilalaro ko lang ang pagkain ko habang nakatulala lang ako sa harap niya. Hindi kasi maalis sa akin ang takot na baka mahuli kaming dalawa sa hindi tamang oras. Hindi pa ako handa para doon. Marami pa akong dapat na gawin upang maging handa sa posibleng paghaharap