Kabanata XLV PAUNAWA: Ang sumusunod na mga eksena ay naglalaman ng maseselang tagpo at sekswal na konteksto na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18-pababa at mga mambabasang hindi sanaya sa erotica. MARTHA "SINONG DADDY?" Agad-agad namang kumabog ang dibdib ko dahil sa pagkabigla. Napayuko ako at tiningnan ang mga mamahaling gamit niya. Nakapustura siya ngayon at hindi rin talaga maikakaila ang ganda niya. "What are you doing in front of my office?" Parehas kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nakatayo na pala si Hector sa likuran ni Ma'am Carmina. "Honey, ang aga mong pumasok," naglakad palapit si Carmina sa kanyang asawa. Tiningnan ko si Hector at umigting ang panga niya nang makita si Carmina. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya naman naglakad ako paat