CHAPTER SIXTEEN

1499 Words

"Himala naman yatang nandito ka?" salubong at tanong ni Mrs Tritts sa kinaiinisang tao o ang step-son niya. "Huwag mo akong simulan. Dahil hindi ako pumarito upang makipaglokohan sa iyo kaya't tumabi ka kung ayaw mong samain sa akin," walang emosyong saad ni Ace. Mas kumukulo lamang ang dugo niya kapag ito ang nakikita niya. "At bakit, Ace? Ano ang gagawin mo sa akin kapag hindi---" Dahil sa inis ay pinutol na lamang ni Ace ang kausap. "Binalaan na kitang huwag mo akong harangan. Hindi ako pumarito upang makipag-usap sa tulad mong walang magandang maidudulot para sa akin. Para sa iyong kaalaman ay hindi ako pumarito upang kausapin ka. Kaya't umalis ka sa harapan ko!" Pagdating sa atrabida niyang step-mother ay wala talaga siyang pasensiya at mas lalong abot langit ang galit dito. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD