"Huwag kang maniwala sa babaeng iyan, honey! Sinisiraan lang niya kami ng mga anak mo! That b!tch is lying to you!" Bigla na nga lang sumulpot ay wala ring babalang sumigaw si Mrs Tritts upang pigilan ang Yaya ng asawa at step-son. "Sige! Ituloy mo ang pananakit sa Nanay ko at ipinapasigurado kong may kalalagyan ka, Ada! Asawa kita oo pero mas nauna kong nakilala si Anika at ang dati kong asawa. Tama, asawa kita pero hindi ibig sabihing may karapatan kang bastusin at laitin ang mga nakapaligid sa akin!" Sa unang pagkakataon ay nagtaas ng boses si Mr Tritts sa asawa. Nagbulag-bulagan siya sa mga naririnig laban sa asawa dahil ayaw niyang mag-away silang dalawa. Subalit kahit pahapyaw lamang ang pagkukuwento ng Yaya nilang mag-ama ay kuhang-kuha ang atensiyon niya. "I-pinagtatanggol mo

