"Bilisan natin at baka abutan tayo ng ulan," sabi sa kanila ni Atorney Salgado. Niyakag nito ang dalawang dalaga. Pero sa tuwina ay napapatingin sa likod nila sina Rose at Juliana. Para kasing hindi ordinaryong hangin lang ang nararamdaman nila sa paligid. Bawat dampi n'on kasi sa balat nila ay may dalang kilabot. Nakakatindig balahibo. Isa pa ay parang may nakatingin sa kanila. "Doon! Doon tayo!" turo ni Attorney Salgado nang may makita itong mga nakasampay na damit sa may bandang sementeryo na iyon. Malamang ay doon nakatira ang supoltererong hinahanap nila para hingan ng tulong. Mabilis silang nagtungo roon. Hawak-kamay sina Rose at Juliana na tahimik lang dahil nakikiramdam sila. Nababahala sila sa nakasulat sa Diary. Hindi talaga nila mabatid kung ano 'yon. Kaya bawat minuto ay nag