Pupungas-pungas si Juliana na lumapit sa kinauupuan ni Rose. Bagong gising ito. "Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kaibigan nang makitang naka-online sa internet si Rose at may nire-research. "Kailangan nating malaman kung saan nakatira si Eilyn Rebato," tugon ni Rose na hindi inaalis ang tingin sa laptop. Kinilabutan si Juliana. "E-eilyn? 'Yung.. 'yung may-ari ng diary?" Tumango si Rose. "Pero bakit?" "Nagpakita siya sa 'kin kanina." Impit na napatili si Juliana. Dinikit nito ang sarili kay Rose. "Hindi nga?!" "Oo! At sinabi na niya sa 'kin kung paano mapipigil ang sumpa!" "Pero 'di ba alam naman na natin kung paano matitigil ang sumpa?! At 'yun yung kapag nakalaban natin ang ikalimang sumpa!" "Hindi ko alam Juliana pero pakiramdam ko ay nalinlang tayo!" "Anong ibig mong sabih