Pagkaalis ni Louie ay agad na naghanda si Elyssa para sa pupuntahan nila ng kanyang ina. Wala siyang ideya kaya magpapatianod na lamang siya saan man siya dalhin nito. Simpleng dress lamang ang suot ni Elyssa na pinaresan niya ng sneakers na regalo sa kanya ng ina. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing tinatawag itong inay. Hindi niya lubos akalaing magkakatagpo sila nito at magkakaayos. "Ready ka na ba, anak?" Nilingon ni Elyssa ang ina nang pumasok ito sa kanyang kuwarto habang naghahanda siya. "Opo," sagot niya at ngumiti. "Nay,” tawag niya kapagkuwan. “Bakit, ‘nak?” “Paano po pala ang gamit ko sa condo?” Lumapit sa kanya ang ina at tumayo sa likuran niya saka inabot ang suklay at sinuklay ang buhok niya. "Don’t worry about it, iha. Naatasan ko na si Marra at siya na ang bahal

