Luminga-linga ang dalaga para tingnan kung saan na ang mga kidnappers pero parang mga bula itong naglaho. “Ang bibilis naman magsipulasan ng mga gagong iyon? Ano’ng trip nila? Kidnapin ako para ihatid sa school?” Ang kaba at takot na namahayan sa puso ng dalaga ay bahagyang humupa. Nasa hallway siya papunta sa stadium ng university dahil doon siya iniwan ng mga kidnapper. Tumalikod siya para bumalik sana sa room niya. Pero sa pag-ikot niya ng katawan ay nahagip ng mata kanyang paningin ang papel na nakadikit sa isang pader. Dalawang puso na magkadikit at may pana ni kupido ang style niyon. Lumapit siya at dahil nabuksan ang kuryusidad niya ay binasa niya kung ano ang nakasulat doon. "Follow the arrow and you will find the key to your heart." Malakas na bigkas niya. Napangiti siya nang