“Louie?” ulit na tanong ni Elyssa nang hindi agad makasagot ang kasintahan. "No.” Kumunot ang noo ni Elyssa sa narinig at sinilip ang mukha ng kasintahan. "Huh? How come? Kailan mo lang nalaman? Even Marra knew about it a long time ago.” Kinabig siya ng kasintahan upang umunan sa braso nito saka ikinulong ng isang braso ang kanyang baywang. "’Yan ang hindi ko alam at labis ko ring ipinagtaka." Hinalikan nito ang puno ng kanyang tainga. "Honey…" pigil ni Elyssa dahil nagsimula na namang kumilos ang kamay ng kasintahan. "Why?" Pilyong tanong ni Louie pero abala pa rin sa paghalik sa kanya. "Paano mo nalaman na si Tita Beatrice ang aking ina?” Elyssa asked again. Louie let out a defeated sigh and stopped roaming his hand before finally answering Elyssa. "Ang totoo, nagkita na kami ng