Chapter 98 "Nanay? Ano’ng nanay ang pinagsasabi mo pinsan, e, tita nga ni Louie ‘yon?" ang nagtatakang tanong ni Elyssa kay Marra na biglang napabalikwas ng bangon. Natigilan ang pinsan at dumaan ang takot sa mukha nito pagkatapos ay agad siyang tinalikuran upang itago ang naging reaksyon. Bahagyang napatawa si Elyssa dahil sa reaksyon ni Marra saka naiiling na pumikit. "Naku, insan. Dala lamang ‘yan ng break-up niyo ni Minho kaya ka nagkakaganyan!” biro ni Elyssa nang hindi sumagot si Marra. “Minsan kapag masiyado tayong napapadala sa ating emosyon ay hindi natin alam kung ano ang pinagsasabi kaya naiintindihan kita. Alam kong hindi mo iyon sinasadya." Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "Ahh… t-tama ka, Issay. Ang ibig ko lang naman talagang sabihin ay magiging nanay. Tama! Magiging