"Wow! Daebak!" Hindi mapigilan ni Elyssa ang mapamangha nang makita ang loob ng kuwarto ng hotel na kinuha ng kumpanya para sa kanya. Mabilis niyang binitawan ang hawak na luggage at nagagalak na dumiretso sa kuwarto at humiga sa malapad na kama. Napakalambot niyon at napakakomportableng higaan. Napakalaki ng kuwarto. She had no idea why the company got her an expensive suite. Ni siya lang mag-isa ang umuukupa noon dahil may ibang kuwarto si Marra. “Ahh!!!” Hindi niya mapigilang kuhain ang unan at sumigaw doon. “This bed is so good! It’s so wide,” malapad siyang napangiti. Ilang minuto siyang nagpabiling-biling sa kama hanggang sa tuluyang humupa ang excitement niya. Tumayo siya upang sipatin ang buong kuwarto. There was a 42” interactive flatscreen TV outside the room and the recei