Masayang nag-uusap sina Elyssa at Ellen habang palabas ng trabaho nang biglang huminto ang red ferrari sa harap niya. Malapit na sila sa bus stop pero bago makadiretso roon ay may humarang sa kanila. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ni Elyssa nang mamukhaan ang sasakyan. Dahil sa nangyari sa kanila kagabi ay na-late si Elyssa at dahil kasama naman niya ang boss niya ay sabay na silang pumasok ng trabaho kanina. Elyssa bit her lips as she walked towards Louie's car. Her heart pounded fast when she saw her boyfriend handsomely waiting for her in the driver’s seat. Nakangiti ito sa kanya. She leaned against the window. "Hi, honey. Ang aga mo yata," bati niya. Nanatili siyang nakatungo sa bintana. May mangilan-ngilang kasamahan nila ang malapit sa kanila pero dahil nakaharang ang kata