Nagkatinginan ang dalawa at mabilis pa sa alas-kuwatrong kumalas sila sa isa’t isa. Louie went to his table at nagkunwari itong may binabasa samantalang si Elyssa ay lumapit sa sofa at umupo roon. "Pasok!" Louie shouted when they were ready to face the interrupter. Agad namang iniluwa ng pinto si Ms. Leny. "Yes, Ms. Leny?" tanong dito ni Louie habang kunwari ay may binabasa na folder Ni hindi ito nag-angat ng tingin. Samantalang si Elyssa ay yumuko upang itago ang sinusupil na ngiti. "Ahm, Sir. I just wanted to remind you about your meeting with the representatives of the Gaisano group. It's at three pm. “Yon lang po. I’ll go out now." Saka lang nag-angat ng tingin si Louie at tinanguan ang sekretarya. "Ahm, Miss Castillo,” biglang tawag ni Louie kay Elyssa. “Yes, sir?” “Please re