Luna POV* Dahan dahan akong nagmulat at nakita ko agad ang napakagwap- I mean pangit kong Asawa. Tiningnan ko ang mukha niya dahil nakapikit pa siya. Shock! Ang ganda ng gising mo pag ganito ang nakikita mo araw araw. Hinaplos ko ang mukha niya at hinalikan ko ang labi niya. Pagtripan ko muna siya dahil tulog siya. Paulit ulit kong hinalikan ang malambot na labi niya. Hinawakan ko iyon kasi ang pula nun na parang may lipstick siya pero wala. Tiningnan ko kung may dumi siya sa mukha pero wala. Ang tangos ng ilong niya at hinawakan ko iyon at napunta sa pilik mata niya at hinawak hawakan ko iyon at natutuwa ako dahil ang taas nun at selos naman ang pilik mata ko nun. Hinawakan ko ang buhok niya ang lambot. "Bakit perfect ang pagka sculpture sayo ni Lord? Nababagay ka sa akin eh maganda.

