Luna POV* Napahawak ako sa ulo nang makitang binaril mismo si Aubrey sa harapan ko. Yung pekeng Assassin Princess na lumandi kay Juno noon at ang bumaril sa kanya at si Juno pa din. Bumalik ako sa normal at hinihingal ako habang nakahawak sa ulo ko. Grabe ang sakit ng ulo ko. Di ba pwedeng bumalik na ang lahat ng alaala ko, bahala na parang bibiyak ang ulo ko sa sakit basta isang beses lang? Di ba pwede na ganun na lang? "Mom," rinig kong tawag ni Baby Euna sa akin at namangha ako sa damit na susuotin niya sa bagong school niya dito. Nandidito pa pala kami sa Tailor's store. Dito kasi pinapatahi ang lahat ng uniform sa school nila Euno at first day class na nila kaya dapat may uniform na din si Baby Euna. "Wow, so beautiful, Baby!" Pinaikot ko siya at ang ganda ng uniform nila dahi

