Luna POV* Nakatingin ako ngayon sa orasan ko dahil ngayong araw magsisimulang maghahanap ng bagong Assassin students sila Kuya. Nakatingin ako sa orasan at 8am pa lang at 9am pa magsisimula ang paghahanap. Nakatingin ako kay Juno na tahimik lang sa gilid dahil nag away nga kami dahil sinabi ko sa kanya kagabi ang purpose ko kung bakit kami nandito sa Japan. Ganito kasi ang nangyari. Flashback.... Kagabi sa higaan at matutulog na kami. "Juno," tawag ko sa kanya at hinawakan ko gamit ang hintuturo ko ang abs niya. My God perfect kasi ang pagkakahulma eh. Addict ako sa abs niya. "Hmm?" "Bukas, punta tayo kina Kuya Ezekiel." Tiningnan ko ang mukha niya at biglang napakunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. "Nandito sila Ezekiel?" Dahan dahan akong tumango. "Ngayon kasi sila kukuha ng

