Luna POV* Nakasuot ako ngayon ng magandang gown at nakatingin ako ngayon sa salamin at napangiti ako dahil ngayon ang ikalawang kasal namin ni Juno. Marami nang nangyari sa buhay namin at nananatili pa din kaming magkahawak kamay na hinarap ang lahat ng problemang iyon. Ang ibang tao nun ay hihiwalayan na agad nila ang partner nila kung may ganung mangyayari. Hinawakan ko ang singsing ko at napangiti ako dahil di ako nagsisisi na si Juno ang nakatuluyan ko. "Hey, Besh, don't cry, masisira ang make up mo." Napatingin ako kay Stella na kinuha ang panyo ko at binigay sa akin. "Bakit ka umiiyak? Inaway ka ba ng Juno na yun? Gusto mo kutusan ko yun?" Natawa ako at agad umiling. As usual ganun pa din siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Matagal na tayong mag kaibigan at simula Baby pa

