Luna POV* Bukas ay kaarawan ni Juno kailangan kong makaisip ng paraan kung ano ang mga gagawin ko sa kaarawan niya. Ito kaya ang taon na magsisimula ang lahat dahil nawala nga kami ng anim na taon kaya dapat magiging masaya siya da kaarawan niya at di niya kailanman iyon makakalimutan. Paano kaya sa forest? Nako baka may ahas pa doon. Sa dagat naman, ay parati namang doon wala bang ibang event? At kailangan ko ding malaman ang regalo na ibibigay ko sa kanya. Ano naman ang wala sa kanya? Ano ba ang kailangan niya? Wala akong maisip dahil nakalimutan ko nga. Alam ko naman na kaya niyang bilhin ang ibibigay ko pero kailangan yung priceless na regalo ang ibibigay ko sa kanya. Wala talaga akong maisip. Tatanungin ko na lang ang anak namin na si Euno baka may alam siya kaya di ko na kailangan

