Luna POV* Yakap ngayon ni Juno ang Luna na iyon sa harap ng maraming tao at ang lahat ng officials ay nagulat din. "Emperor!" Di nakinig si Juno at ako ay namanhid bigla dahil sa nangyayari ngayon. Seryoso ba ang nangyayari ngayon? Ngumiti yung babae habang nakapikit nung kayakap niya si Juno. Feel na feel atah nila ang atmosphere ngayon. "Anong ginagawa ng Emperor?" kunot noo ni Caprio at susugurin sana si Juno pero agad ko siyang pinigilan. "Caprio." Napatingin siya sa akin at umiling iling. "Let them." Tumingin ulit ako sa kanila at napabuntong hininga ako at tumingin sa paligid at tiningnan ang mga kasamahan nitong babae. "Luna," tawag sa akin ni Henry at napatingin ako sa kanya. "Let's go out." Mukhang yun nga ang kailangan ko ngayon. Di ko alam ang ire-react ko ngayon s

