Chapter 32: Love

2080 Words

Hindi maalala ni Jeanna kung kailan siya huling nakaramdam ng ganitong klase ng saya. 'Yung saya ng pakiramdam nang napalilibutan ng pamilya. Tumawag na rin sa kanya ang Kuya Jeno niya kaya lalo lang nabuo ang gabi niya. Hindi talaga niya sigurado kung kailan pa ang huli pero masaya talaga siya ngayon dahil sa buong angkan ni Kieth. Ngayon lang din talaga niya napagtantong si Kieth ang pinakatahimik sa kanilang lahat. Lagi niya itong sinasabi dahil kapansing-pansin naman talaga iyon sa binata, pero mas mapapansin pa pala talaga kapag ganitong kaharap niya ang mga nakababatang Montelvaro. Wala na ang mga nakatatandang mga Motelvaro kasa-kasama ang mga asawa nito. Lahat ng mga ito ay talagang mababait at ni saglit na pagkakataon ay hindi niya naramdamang iba siya sa mga ito. Kaya naman ra

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD