Note: posted na po ang story ni Troy. Same Mistakes. -- "Mama!" Halos matumba na ako sa kinatatayuan ko nang yakapin rin ako ng dalawang anak ko. Sabay-sabay nila akong niyayakap ngayon. "H-Hindi na ako makahinga boys." Sabi ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa naman ng tatlo sa tabi ko at saka ako pinakawalan. "Sorry.." Ani Zach na ngayon ay nakatingin sa dalawang anak niya. "Kanina ka pa?" Tanong ko. Umiling ito. "H-Hindi, kadarating ko lang." Aniya kahit na alam kong hindi naman niya sinasabi ang totoo. Nahihiya sigurong aminin na kanina pa niya kami inaabangan. "Pasok ka?" Tanong ko. Napatawa naman ako nang makita kong kamot-kamot niya ang ulo niya. "K-Kung pwede sana?" "Oo naman.." Ngiti ko. Wala pang ilang segundo ay kalong-kalong na niya ang dalawang anak niya. "Mama! Si