"Travis, h'wag ka na magkukulit ah? Pakabait kayo ni kuya..." Sabi ko sa anak ko, kasalukuyan ko kasing hinahatid sa school nila sila Travis at Troy. Ganito naman kasi talaga ang routine ko, bago kasi ako pumasok ay dapat maihatid ko muna ang mga anak ko sa school nila. Kapag naman uwian nila nang bandang tanghali ay sinusundo ko sila at kung minsan ay sinasama ko pa sa opisina ng hospital. Hindi kasi pwedeng iwanan ko lamang ang dalawang anak ko sa bahay namin nang walang kasa-kasama, mahirap na. Hindi nga rin ako makakuha ng yaya para sa kanila dahil wala naman akong pambayad pa 'ron at kinakaya ko naman ang pag-aalaga sa dalawa kong anak. "Mama! Hindi naman po ako makulit eh, kuya makulit ba ako?" Sabi ni Travis at hinarap ang kuya niya. "Hindi ko alam sa'yo Travis..." Saad naman ni