Muli kong pinunasan ang mga luha kong patuloy lamang sa pagbagsak. Walang tigil ang pag-iyak ni Troy at Travis habang yakap-yakap nito ang kanilang ama. Muli kong tinignan ang basang mukha ni Zach. Tumungo si Zach at inabot ang buhok ni Troy. Marahang ginulo niya ito pero hindi man lang nainis si Troy sa Ama niya. "Papa! Bakit pala ngayon ka lang umuwi?" Inosenteng tanong ni Travis dito. Itinuloy ko na ang pagluluto at naramdaman kong niyakap ako sa likod ng aking hita ni Travis. "Mama.." Mahina at umiiyak na tawag sa akin ni Travis. Ibinaba ko naman ang sandok at pinantayan ng taas ang anak ko. "Baby?" Niyakap ako nito. Napangiti naman ako at mabilis na hinalikan ang pisngi niya. "Bakit hindi ka lumapit ulit sa Daddy mo?" Umiling-iling ito habang yakap-yakap ako. "Mama! Di yata kami