"Mama...." Napatigil ako sa aking pag-iyak at mabilis na pinunasan ang pisngi ko. Lumingon ako, "Baby ko.. Bakit hindi ka pa tulog?" Tanong ko rito. Alas diyes na nang gabi at napagpasiyahan ko munang lumabas ng kwarto para magkape. hindi kasi ako makatulog. "Mama, kanina pa naiyak si kuya dahil naiyak ka din daw.." Nakatungong sabi ni Travis sa akin. Lumapit ako sa anak ko at niyakap ito. "Naiyak ako, kasi masaya ako diba, nakita n'yo na si Papa?" Tumango-tango ito pero ngumuso rin ito. "Alam naming malungkot ka, Mama." "Hindi kaya! Kayo talaga ni kuya! tara na nga sa taas, ano naiyak pa rin si kuya?" "Opo, Mama! Sino ba nang-away sa'yo, pwede naman namin suntukin ninkuya nang-away sa'yo.." Agad na nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Travis. "Hindi ako inaway, at saka bad 'yang naiis