Kace Javier's POV; "Bakit tayo nasa ospital masakit pa din ba ang---." tinakpan ko ang bibig ni Cairo habang namumulang tumingin sa paligid. "May dadalawin tayo ano ba?" may diing bulong ko na kinakamot niya ng pisngi. "What is it daddy?" Tanong ni Kaide habang pabalik balik ang tingin saming dalawa na kinangiti ko ng alanganin. "Wala baby tara na." Ani ko habang hawak siya at nagsimula ng maglakad. "Sino bang andito Kace?" Tanong ni Cairo bago marahang ayusin ang suot kong jacket na medyo tumaas pala dahil sa pagbuhat ko kay Kaide. "May bata kaming nakita sa basement ni Kyo kahapon." Ani ko bago tumingin kay Cairo ng mag iba ang ekspresyon nito ng mabanggit ang pangalan ni Kyo. "Dont worry Cai I'll make his suffer from what he done to you." Ani ko bago hawakan ang kamay niya na kin