Kace Javier's POV; "2 years ago nadisband ang Lost demon dahil sa pag gamit nito ng mga illegal drugs at sa issue na pananakit ng mga babae." Ani ni Castro na kinatingin ko. "Ano ito Cai?" Tanong ko ng may makitang may kanya kanyang hawak na laptop ang Black Puma. Habang ang Midnights naman may kasamang babaeng nasa middle age na mukhang wala sa sarili. "Inutusan ko sila magback ground check about kay Kaide at kay Jace." Sagot ni Cairo habang nagpupunas ng buhok na umupo sa tabi ko. "Undecided Band ang dating pangalan ng grupo nina Jace Javier...nag world wide ang bandang ito sa loob lang ng dalawang taon at agad ding na disband bago magtatlong taon." Dagdag ni Castro. "Yan yung time na lumabas ang pangalan ni Kace at kumalat na si Kace daw talaga ang nasa picture na may mga kasamang