TMP11: Arkin’s Reflection Nagdaan ang araw na wala paring Arkin ang nagpaparamdam sa kanya, tahimik lang na nagluluto si Darcy ng kanyang hapunan sa kusina at hindi parin mawala sa kanyang isipan ang binata. Nakarinig ang dalaga ng tatlong sunod-sunod na katok, agad na muna niyang binitawan ang hawak niyang sandok at tumungo sa pintuan. Pagbukas niya isang nakangiting Louise ang sumilay sa kanya, ngayon na lamang niya nakita si Louise noong huli niyang kita sa binata noong hinatid siya galing sa hospital, hindi na rin siya pumupunta kong saan-saan at hindi na muna siya pumasok ng isang araw sa klase niya sa ballet. Pero natigilan ang binata nang makitang nakasuot lang ng maigsing short ang dalaga kaya kitang-kita ang legs nito payat at mahaba, napalunok siya at bumalik ang tingin sa mukh