TMP13: Diary of the Past January 1950 Isang kalagim-lagim na impormasyon ang nalaman ni Mychaela sa kanyang tatlong taon na kasintahan na si Louise, na isa itong bampira, sa panahon nila ay isang salut ang mga nilalang na katulad ng bampira, nang malaman din ng mga magulang niya, agad silang nag-impake ng kagamitan, pati ang anim nitong mga kapatid na babae. Halos hindi na pinagkasya ni Mychaela ang mga damit niya sa malaking bag dahil sa pangangatog at pagmamadali. Isang katulong naman ang biglang pumasok sa silid niya. "Nasa baba naman po sila senyora, lady Mychaela." "Oo sabihin mo, matatapos na ako, malapit na ako dito." Noong isang araw pa niya nalaman na bampira si Louise, hindi siya makapaniwala na ang pinakamamahal niya ay isang bampira, ayaw niyang lumayo pero alam niyang ip