TMP4: Beautiful Nightmare
Gabi na naman, minabuti niyang libangin ang kanyang sarili, manood ng tv, kumain at lumabas muli. Ayaw niyang matulog, kong matutulog na naman siya baka mangyare na naman yong nangyayari sa kanya sa tuwing makakatulog siya, gusto niyang mag-ingat pero isa lang siyang normal na tao na pagtulog lang ang tanging pahinga, pagod na ang kanyang katawan at mga mata. Kahit na ilang beses na itong bumabagsak, pinipilit parin niyang labanan ang antok pero hindi na niya kinaya hanggang sa bumagsak na siya sa sofa.
*** *** ***
Napadilat si Darcy at nakikita niya ang kanyang sarili na nakatayo sa harap ng isang altar, nakasuot ng gown na kulay itim, sa paligid niya ay puros kalansay na nakasuot ng damit na kulay itim din, animoy may libing sa oras na ‘yon, may veil na itim na nakapatong sa ulo niya at itim na rosas ang hawak niya.
Pati ang pareng nasa harapan niya ay kalansay, “maligayang bagong kasal para kila Arkin at Darcy,” nagulat si Darcy sa narinig niya.
“Ano?” Wala siyang maalalang may nag-propose sa kanya na lalaki, sinagot o ano mang nobyo.
“Darcy,” may boses lalaking tumawag sa kanyang tabi, lilingon na sana siya nang mag-iba ang imahe ng lugar kaya hindi na niya nakita ang mukha nito.
*** *** ***
Napabalikwas siya ng bangon ng maramdaman niyang nakahiga siya sa malambot na kama, nilibot niya ang paligid ngunit wala siyang makita o ano pa man, masyadong madilim sa paligid. Wala siyang ideya kong na saan siya, kong nasa bahay pa ba siya o nasa ibang lugar na siya. “Gising kana pala,” nanglaki ang mata niya sa dilim at hinanap ang boses ng isang lalaki, wala siyang ideya kong saang direksyon. “Natatakot ka ba?”
Hindi siya makakilos siya sa kanyang puwesto, tanging malakas na paghinga lang nagagawa niya sa mga oras na ‘yon. Naramdaman niya ang paglubog sa parting kanan ng kama niya kaya agad na bumaling ang ulo niya doon, “si---sino ka?”
“Si Arkin,” pakilala ng boses lalaki na may perpektong boses animoy isang radio announcer sa isang sikat na istasyon ng radio.
Napakunot noo si Darcy, wala siyang makita na kahit na ano dahil gusto niyang makita kong sino ba ang kausap niya sa oras na ‘yon. “Ikaw ba yong lalaking nakasuot ng jacket na kulay itim, yong nagpadala ng ubas, pati ng sulat, ikaw ba yong sinasabi ng matanda na akala niyang nobyo ko, ikaw ba---” Hindi maituloy ni Darcy ang sasabihin niya kaya si Arkin na ang nagpatuloy.
“Ako nga yong humahalik sayo at nagbabantay sa tuwing tulog ka, ako lahat ‘yon.”
Napalunok si Darcy, hindi niya alam kong matatakot siya pero may maamong boses ang lalaking kausap niya. “Bakit madilim, ayaw mo bang magpakita sa akin? Halimaw ka ba, pangit na baka katakutan kita?”
“Hindi,” aniya ni Arkin, “hindi lang oras na kailangan mo akong makita.”
“Bakit?”
“Para din sayo to,’” bumuntong hininga si Arkin bago ito nagsalita, “para ito sa atin. Kong makikita mo ako, hindi na kita mababantayan, naalala mo ang sumpa ng sinasabi sayo ng magulang mo, ako yong sumpa mo, higit pa sa halimaw ang inaakala mo sa akin, kailangan mong makapag-asawa ng halimaw at ako ‘yon.”
“Bakit ako, bakit sa akin nangyayari ito?”
“Hindi ko alam pero ‘yon ang nakatakda, kailangan kang ikasal sa akin, nakatakda kang ikasal sa akin. Ang kailangan mo lang gawin ay magtiwala sa akin, hindi ko gustong takutin ka, kailangan ko lang gawin kong ano ang inutos sa akin.”
Isang katahimikan ang nanaig sa kanila hanggang sa magsalita muli si Darcy, “paano ko malalaman na nasa tabi kita o nasa paligid?”
“Sa tuwing gabi mo lang ako makakausap pero hindi mo ako pwedeng makita, nakabantay ako sayo ng hindi mo alam, wag muna lang alamin kong bakit, basta magtiwala ka sa, mas maganda kong wala kang pagsasabihan.” Paliwanag ni Arkin kay Darcy, “madalas din ako sayong magpapakita sa panaginip mo dahil mas madali ‘yon at sa dilim, doon lang ako sayo nakakonekta sa tuwing umaga wala ako sa tabi mo, nagmamasid lang ako sa malayo.”
“Yong kanina bago ako na punta dito, anong ibig sabihin n’un?”
“’Yon ang kasal natin.”
Unti-unting nawawala ang takot sa puso ni Darcy ng hindi niya alam, hindi din niya alam kong paano naging kasal ang siremonyang ‘yon na animoy pupunta siya ng libing. “Pwede ba kitang mahawakan?”
Nagulat siya nang may humawak sa dalawa niyang kamay, malambot at bahagyang mas malaki sa kanya. Akala niya halimaw ang binata katulad ng sinasabi nito pero para namang sa tao ang kamay nito, dinala ng kamay ni Arkin ang kamay ni Darcy sa mukha nito saka naman iniwan ang kamay ng dalaga doon.
Hindi rin magaspang o ano pa man ang mukha ng binata, makinis ito, pinakaramdaman niya ang ilong nito na tingin ng dalaga ay matangos, ang labi nitong malambot, bigla naman niyang naalala ang labing humahalik sa kanya sa tuwing siya’y nakakatulog, ang tenga, ang lahat ng naramdaman niya ay katulad ng sa tao at hindi halimaw na katulad ng sinasabi ng binata.
“Hindi ka naman halimaw ah,” iniwan lang ni Darcy na hawak ang mukha ng binata.
“Hindi mo pa ako kilala Darcy.”
“Pwede mo ba akong halikan,” nagulat pareho sa sinabe ng dalaga, hindi niya alam kong bakit ‘yon ang lumabas sa bibig niya.
Ngumisi naman sa dilim si Arkin, “iyong kahilingan mahal na prinsesa.”
Dahan-dahan na lumapit si Arkin kay Darcy hanggang sa magkadikit ang mga labi nila, napapikit sa dilim si Darcy, hindi rin paghalimaw ang labi ng binata at may mabango itong hininga na nagpapaadik sa kanya, sumasabay si Darcy sa galaw ng labi ng binata sa kanya, hindi niya namalayan na nakahiga na pala siya habang nakapatong naman si Arkin sa kanyang ibabaw.
Naramdaman din niya ang malilikot na kamay ni Arkin na lumilibot sa kanyang katawan, hanggang sa huminto ang isang kamay nito sa kaliwa niyang dibdib para pisilin, napasinghap naman siya sa ginawa ni Arkin, bumaba ang mga halik ng binata sa baba niya patungo sa leeg, bahagya itong kinakagat-kagat na nagbibigay sa kanya ng kakaibang kiliti at sensasyon sa buo niyang katawan.
Hindi niya namalayan na napasabunot na siya sa buhok ng binata, may iilang ungol ang lumalabas sa kanyang bibig dahil sa ginagawang paglikot ni Arkin sa leeg niya, hindi na napigilan pa ni Arkin ang sarili at napunit na niya ang suot na blouse ni Darcy pati na rin ang bra nito. Nagulat si Darcy nang maramdaman niya ang mainit na labi ni Arkin sa kanan niyang dibdib kaya lalo siyang napasabunot sa buhok ng binata.
Napakagat siya sa ibabang labi nang maramdaman niyang binibigyan siya ng maliliit na halik pababa sa kanyang sikmura, naririnig din niya ang pagkalas ng zipper at butones ng pantalon niya. Ramdam niya ang lamig na kumakapit sa buo niyang katawan. “Arkin,” ungol niya sa pangalan ng lalaki.
Naibaba ni Arkin ang pantalon at underware na suot ni Darcy, nakaramdam na naman ng kakaibang kiliti si Darcy nang maramdaman niya ang labi ni Arkin sa malisan na bahagi ng katawan niya. Lalong lumakas ang ungol na lumalabas sa bibig ni Darcy, hindi niya alam kong anong baling ang gagawin niya, gusto na parang ayaw niya ang nangyayari, gusto niya dahil may kakaibang hatid ito sa kanya, ayaw dahil masyado ang kiliting nararamdaman niya na animoy pwede niyang ikamatay.
Nagtagal si Arkin doon hanggang magsawa ito, huminto siya para maihubad ang lahat ng saplot niya sa katawan, muli siyang pumaibabaw sa katawan ni Darcy at pinaghahalikan muli ang labi ng dalaga kaya nalalasahan ni Darcy ang kanyang sarili. Naramdaman niya ang pagkiskis ng bagay kay Darcy hanggang sa mapaungol siya ng malakas dahil sa pagpasok nito sa kaloob-looban niya, walang ano’y mabilis na tinulak ni Arkin ang kanyang sarili kay Darcy ng mabilis at minsan ay babagal.
Para kay Darcy lahat ng nangyayari sa kanya ay unang karanasan sa kanya simula nang mahalikan siya ni Arkin noong unang gabi, pabilis ng pabilis hanggang sa maramdaman na naman ng dalaga ang labi ni Arkin sa kanyang tenga at leeg. “Dapat matagal ko na tong ginawa, hindi kana makakawala sa akin.”
Hindi maintindihan ni Darcy ang pinagsasabi sa kanya ni Arkin, hanggang sa isang sakit ang naramdaman niya, kinagat ni Arkin ang leeg niya, napatili siya sa sakit na ‘yon at lalong bumilis ang pindig ng puso niya. Bumaon ang dalawang pangil ni Arkin sa malambot na balat ni Darcy, dahan-dahan nanghihina ang dalaga at nang matapos doon si Arkin Dinilaan pa nito ang ibang dugong tumutulo sa leeg ng dalaga.
“Tapos na ang ritual,” bulong ni Arkin kay Darcy na agad na nagpatulog sa dalaga kasabay ng pagtatapos ng kanilang p********k.