HINDI MAIWASANG MAPAKUNOT ng noo ni Akilah nang mapansing pamilyar sa kan’ya ang nilapagan ng chopper. ‘Bakit sila nasa Baguio?’ “Bakit tayo nandito?” Lumingon sa kan’ya si Grecco. “Sabi mo, dadalhin ka namin kay Naarah?” “Yeah. But that property belonged to Supremo!” Dinig niya ang buntonghininga ni Sky sa tabi niya. “Aminin mo man o hindi, si Supremo lang ang makakatulong sa ‘yo ngayon. Walang masama kung kakausapin mo siya. Sabihin mo ang totoo na wala naman talagang kasalanan si Naarah kagaya ng sabi mo. ” “Yeah, right. Pero sa ginawa niya, I don’t think magtitiwala pa ako sa kan’ya. Ni hindi nga siya nakinig sa akin na aalamin ko muna ang totoong rason ni Naarah, kung bakit niya nagawa. Pinasugod niya si Arah na walang kalaban-laban! Damn it! Tapos ngayon, kakausapin ko? What