SERYOSONG nakatingin lang si Eilyn sa picture ni Akilah Russo. At habang patagal na patagal ang titig niya, nakakaramdam siya nang pangungulila. Kumusta na kaya ito? Maalam naman si Eilyn sa computer at may alam sa hacking kaya nakuha niya ang address nito. At sa tulong ni Dennis— pamilyar na pamilyar din ito sa kanya. Pero hindi niya matandaan ang nakaraan nila. Kung kaano-ano niya ba ito “Iniwan ko ang susi ng sasakyan, gamitin mo kung kailangan mo,” ani ni Dennis sa kanya. Paalis na ito dahil tinawagan ng asawa nito. May emergency yata sa bahay nito. “Here—” May inilapag din itong calling card. “Kapag tumawag ka sa opisina, you should address me sa pangalang Tristan Fontana. Alright?” Kumunot ang noo ni Eilyn. “I thought Dennis Trinidad ang pangalan mo?” “Sa kalagayan mo ngayon, ang