“B-BABE.” NAPALINGON SI Naarah nang marinig ang tawag ni Akilah sa kan’ya. Sanay na siya sa endearment nito. “Bakit?” aniya rito. “B- bakit ka naghuhubad? Are you trying to seduce me? Hindi mo naman kailangan dahil–” “Excuse me, Akilah Russo?” Inangat niya ang hoodie jacket at leggings niya. May damit pa siya pero sa ibaba, underwear na lang. Pagdating na pagdating kasi ng bahay nito, deretso siya hubad ng hoodie at leggings dahil nangati siya bigla. Hindi pa kasi nalalabhan iyon. “Nangangati ho ako, kaya ako naghuhubad dito. Hindi kita inaakit. Kaya ‘wag kang feeling diyan.” “Damn! Akala ko bati na tayo,” anitong pakamot-kamot. Natawa siya ng pagak. Dahil siguro sa hinalikan niya ito kanina kaya naisip nito na bati na sila. “May iniiwasan lang ako kaya nasagot ko ang tawag mo. Don’t