NAGISING SI NAARAH na nasa ospital na. Nagbaba siya ng tingin sa kamay niya. Parang may nakakapit doon. Si Akilah pala. Hinaplos niya ang mukha ng asawa habang himbing ito sa pagkakatulog. Napangiti siya nang magmulat ito ng mata. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Ngiti lang ang sinagot niya sa asawa. Okay naman na ang pakiramdam niya pero ang bigat pa rin ng dibdib niya dahil sa mga nangyari. Parang pinipiga ang puso niya kapag naalala ang anak. Pangalawang araw na ngayon pero wala pa ring balita sa dito. “M-may balita na ba kay Daddy?” “Wala pa sa ngayon. Pero sabi ni Tristan, tatawagan niya ako agad.” Tumango siya asawa. Sa loob-loob niya, nanginginig siya sa galit sa ama. Dahil kung hindi dahil sa Markesa na kinabibilangan nito, hindi mapapahamak ang anak niya. Napapikit siya. S