“TAWAGAN MO AKO kapag may problema, huh?” masuyong sabi ni Akilah kay Naarah nang makarating ang mga ito sa garahe. “Sige. Ingat sa pagmaneho,” bilin ni Naarah. “I love you.” “I love you more,” nakangiting tugon nito sa kan’ya. Saglit pang naghinang ang labi nila nang halikan siya nito. Sunod na hinalikan nito ang naninigas na umbok niya. Kabuwanan na niya ngayon kaya madalas na ang paninigas at pananakit ng pwerta niya. Saka pakiramdam niya parang lumaki masyado ang tiyan niya. Iniisip niyang mag-diet dahil baka mapagalitan siya ni Nikki. Si Nikki ang gusto ni Akilah na magpaanak sa kan'ya napilitan siyang lumipat ng pinapa-check-up-an. Ayaw din ni Daddy sa dating clinic na pinupuntahan niya kaya napilitan siyang sundin ang mga ito. Sa totoo lang, nahihiya siya kay Nikki. Baka mam