Chapter20 Kalves Jullian's POV: Habang kumain ang bata, hindi ko maiiwasang titigan sila kahit madumi ang kanilang itsura, halatang iba ang lahi dahil sa kutis,mata at buhok nito. Mukhang natural lang ang pagkadark brown ng buhok niya. "Child abuse." *ehem* Napatingin ako kay Kuya Cannon. "Anong child abuse?" "Makatitig kasi sa bata wagas. Bakit sa bata pa jullian? Hahahaha." Imbis patulan ang kagaguhan ni Kuya Cannon ay tumingin na lang ulit ako sa bata. "Nasaan ang mga magulang mo?"tanong ko. Para namang nag-skip ang paghinga ko ng magkasalubong nanaman ang mga mata namin. Tumikhim ako at uminom ng tubig. "So?nasaan ang mga magulang mo?" tanong ko ulit. "Patay na sila." Nagkatinginan kami ni Kuya Cannon sa sinambit ng bata. "Patay na?" ulit ni Kuya Caleb. "Pinatay po sila."