Garrison's P. O. V. Nakatitig lang ako kay Eviane habang kumakain ito ng ice cream. Abala siya sa kaniyang ipad at tila ba may pinapanood pero hindi ko alam kung ano 'yon. Hindi rin ako makapag-focus sa trabaho ko dahil hindi ko alam kung paano ako makakatakas kay Eviane bukas ng gabi. Napabuntong hininga ako, pinindot ko ang email sa aking laptop at binasa ang mga ito. Tinignan ko ang mga bagong advertisement at nag-approve ng mga ito. Tumaas kasi ng 30% ang sales namin dahil sa campaign. Biglang tumawa si Eviane kaya tumingin ako sa kaniya, abala pa rin siya sa kaniyang ipad. Mukhang sarap na sarap siya sa ice cream na isang tub, favorite niya raw ang cookies and cream kaya iyon ang binili ko. She looks so innocent and I feel guilty knowing na may tinatago ako sa kaniya na hindi niya