Eviane's P. O. V. Isang oras akong naghahanap ng susuotin ko. Ang kama ko ay puno na ng mga damit habang nagulo na ang closet ko kakahanap ko ng isusuot. Gusto ko sana magmukha akong maganda pero presentable kaso wala na akong magandang damit. Mukhang kailangan ko na ng bago, sasahod naman na ako, pero pakiramdam ko hindi na importante yung damit. Kinuha ko ang natitirang dress sa aking closet. Kulay Mocha ito at backless kaso sobrang hapit, baka hindi naman ako makahinga. "Eviane?" laking gulat ko nang marinig ang boses ni Garrison sa labas ng apartment ko. Nakasuot lang ako ng tube at cycling. Hindi naman na ako nag inarte dahil nakita na niya ito, pinagbuksan ko kaagad siya ng pinto. "Garrison, hindi pa kasi ako tapos mag-ayos," sabi ko nang pumasok siya sa loob. Nakita kong nil