Garrison's P. O. V. Nagpadala ako kay Jonathan ng bouquet of roses at sinabi kong dalhin niya ito sa office ko para pagdating namin doon ni Eviane ay maibibigay ko sa kaniya ang bulaklak. Kasalukuyan kaming papunta sa company building. Nakasakay kami sa aking sasakyan, half day lang kami ngayon dahil sabado. "Love, what do you want to do this sunday?" tanong ko. "Actually, love... Kailangan ko maglaba, tambak na kasi yung labahin ko doon sa apartment ko," sabi niya. Napatango ako, hindi ko kasi problema ang housekeeping dahil every other day may pumupunta sa penthouse ko para maglinis, si Jonathan pa rin ang naka-assign na magbantay sa penthouse habang nalilinis. "Half day lang naman ngayon, pwede nating ipa-laundry na lang," I suggested. "Mahal pa-laundry. Magwi-withdraw nga ako ma