Eviane's P. O. V. Kinabukasan, pinagplanuhan namin ni Garrison na pumunta kala Mama sa Plaridel. Gusto naming maipaalam ang mga nangyare, sobrang tagal na rin mula nung huling nakausap ko sila Mama at mahirap naman na puro cellphone lang ang aming communication. Gusto rin ni Garrison na magbigay galang kay Mama kaya mas gusto niyang personal kausapin. Masaya naman ako ngayong makukumpleto ulit kaming pamilya at syempre mas masaya ngayong kasama na si Garrison. "Love, okay ka lang? Parang tahimik ka," puna sa akin ni Garrison na abala sa pagmamaneho. "Kinakabahan lang ako, syempre ang daming nangyare. Hindi ko alam kung ano reaksyon nila Mama pero sigurado akong nag-aalala 'yon lalo na sila Victa," sabi ko at napatingin sa bintana ng sasakyan. Huminto si Garrison sa isang drive thru, n